Tuesday 30 December 2008

Bagong Taon

Ilang araw na lang at magpapalit na naman ng taon. Bagong taon na naman. Ang bilis ng panahon no? Parang kelan lang eh nagsusulat din ako ng mga New Year’s resolutions ko, at eto na naman bagong taon na ulit pala…panibagong listahan na naman nag New Year’s resolution ang gagawin ko.

Bago ‘yon, pa’no nga ba nagdiriwang ng bagong taon ang isang Pinoy?

Hinding-hindi siguro mawawala sa kultura ng isang Pinoy ang putukan tuwing Bagong Taon. Sabi sa amin sa Sibika at Kultura namin noong Grade IV, napulot raw ng mga sina-unang Pinoy ang kulturang ito sa mga mangangalakal na Tsino.

Eh bakit nga ba nagpapaputok?

Pang-taboy raw ng malas, masasamang espirito; takot raw kasi sa putukan ang mga ito. At kahit na naman si masamang espirito eh, sino ba naman ang di matatakot sa SAWA at PLA-PLA, at ngayon eh me BOGA pa. At dahil nga pumuputok, syempre sobra INGAY… at MAUSOK rin…. at MAKALAT. Sa mga panahong ganito, sigurado, kung di ka man sa Bocaue Bulacan mamimili, eh sigurado ring sa mga pinakamalapit na pamilihang bayan ngayon eh nagkalat ang mga pakete ng labintador, 5 star, watusi, bawang (hindi ito pang-gisa), Super Lolo, Sinturon ni Hudas, kwisit, lusis, fountains, at marami pang iba.. basta pumuputok.

Noon, sa probinsya, kanyong kawayan lang katalo na ang bagong taon ng batang mangyan. Kukuha lang nang di masyadong kagulangan na kawayan noon sa bukid si tatay, tas kakayasan para di naman matinik at syempre para maganda namang tingnan. Isang dipa ok na… lilinisin rin syempre yong loob ng kawayan, tapos, sa kabilang dulo lalagyan ng maliit na butas. Tapos ihihilig lang ang kawayan ng mga 25ยบ, lagyan ng konting gaas, o kaya para mas malakas ang putok, kalburo, ‘yong maliit na butas, tas sindihan ng konti.. wallla!! Me kanyon ka na.

Pagkatapos pala pumutok, ‘wag kakalimutang hipan ang maliit na butas para ‘yong mga usok na naiwan eh lumabas doon sa kabilang dulo ng kawayan. At dapat mag-iingat rin, kasi me mga pagkakataon bumabalik ‘yong apoy sa butas, kaya merong posibilidad na masunog ang nguso.

Bago pa man nauso ang mga mamahaling lusis at fountains, eh klik na klik na noon sa probinsya ‘yong klasik na munting lusis. Gawa lang sya sa walis tingting, tas 70% noong tingting eh binalot ng pinatuyong pulbara. Mukhang di sya safe, pero those days masayang-masaya na bagong taon, basta meron kaming magkakapatid na tig-iisang kahon. 7 pesos ata isang kahon, 12 piraso sa isang kahon.

Syempre klasik rin sa Bagong Taon ang mga batang nagtatalunan. Para raw tumangkad, kaya ako naman kahit wala pang hating gabi eh talon to the max talaga, para nga naman tumangkad. Though matatangkad naman ‘yong lahi namin, pero for assurance na rin, na in-case di magwork sa akin ‘yong gene pattern ng pamilya namin eh may second option pa ako…xx xx xx. So far, it works naman… kaya nga hanggang ngayon tumatalon pa rin ako tuwing bagong taon.

Kung minsan kasama sa pagtalon eh ‘yong pagkalog ng mga barya. Para raw maraming pera sa buong taon. Habang tumatalon panay ang kalog ng barya, tapos ihahagis at isasabog sa sahig, pero that time ‘di ko na sya inihahagis at isinasabog sa sahig, kawayan kasi ang sahig ng bahay namin noon, at sigurado kung isasabog ko eh mahuhulog lahat ng barya sa silong…so tamang kalog lang.

Oopps…sino ba naman ang hindi nag-suot ng polka-dots sa bagong taon? Kasama ng bagong taon ang polka-dots prints, kasi ‘yong bilog-bilog raw eh symbolizes money. Kaya pag-dami ng bilog, pag-dami ng pera. Bakit kaya hindi parihaba, para atleast di naman barya-barya ang pera.. bills naman.

Napag-uusapan na lang rin naman ang bilog-bilog, aba mawawala ba naman ang 12 o 13 bilog na prutas sa dulang? Syempre kahit sa mga panahong ito eh nagkakamahalan ang bilog na prutas (meron bang tatsulok o parisukat na prutas? Or pede rin kaya ‘yong mga bilohaba na prutas?), bibili at bibili talaga ang ma-pamahiing Pinoy. Ang listahan:

  1. Mansanas
  2. Ubas
  3. Buko
  4. Kahil
  5. Dalandan / Sinturis
  6. Chico
  7. Atis
  8. Santol
  9. Duhat
  10. Melon
  11. Bilog na Pakwan
  12. Bilog na Papaya
  13. Bilog na Avocado
  14. Lansones
  15. Durian
  16. Mangustin
  17. Chesa
  18. Mabolo
  19. Bilog na Guyabano
  20. Kiwi (para sa sosing dulang)
  21. Marang (sa Mindanao lang matatagpuan)
  22. Plum
  23. Cherry or any wild berries (para pa rin sa sosing dulang)
  24. Kamatis
  25. Bilog na Pinya

At marami pang iba.

Hinding-hindi rin mawawala sa dulang ng Pinoy ang kakanin. Nariyan ang sinukmani, biko, suman (kahit anong klase, basta suman), puto, kutsinta, kalamay, bibingka, sapin-sapin, at marami pang ibang naglalagkitang kakanin.

Dagdag pa dito ‘yong pagbubukas ng mga bintana at pinto ng bahay, para nga raw makapasok ang swerte sa taong darating.

At eto, prina-practiced talaga ng lola ko ‘to, bisperas pa lang ng Bagong Taon, dapat lahat ng mga kakailanganin o mga bibilhin sa unang araw ng taon eh dapat nabili na. Bawal rin magpa-utang sa unang araw ng taon. Bakit!!?? Kasi dapat sa unang araw daw ng taon eh hindi naglalabas ng pera; masama raw – isang taon raw panay ang labas ng pera, ala pasok.

Bukod sa mga nabanggit, mawawala ba naman ang listahan ng mga bagay na babaguhin o ‘yong mga bagay na lalakaran natin sa taong darating. Syempre nariyan ang listahan ng mga New Year’s resolutions. Ako marami rin nito this year, ‘yong iba natupad, ‘yong iba nakalimutan, ‘yong iba naman sinadyang kalimutan.

Ano ba mga naging New Year’s Resolution ko?? Medyo marami rin... eto nga, gagawa na naman ako ng bagong listahan... 'Kaw, me new year's resolution ka na ba?

9 comments:

Anonymous said...

happy new year mangyan!!! ano ang new year's resolution ko? maging makontento at maging mayaman. bwahahaha!

Rio said...

happy new year mangyan....
kokopyahin ko na din ang new year's resolution ni IFM..ang maging kontento at maging mayaman...hehehe..

Nebz said...

Happy new year!

Kagagaling ko pa lang sa bakasyon at lahat ng tinuran mo (pwera ung talon dahil nakalimutan kong gawin) e ginawa namin. Kahit nga umuulan sa Antipolo, hala sige, paputok pa rin kami. Nakakatuwa dahil masarap pa ring maniwala kahit alam mong hindi naman totoo ung karamihan sa mga pamahiin sa bagong taon. Tsaka empty ang feeling pag hindi mo ginawa.

Anonymous said...

happy new year, mangyan! late na greetings ko at naligaw kasi ako kung saan-saan.
aliw itong blog mo. parang checklist bago magnew year! hehe...
God bless!

Nebz said...

Nga pala, I tagged you. Read my ten quirks http://isladenebz.blogspot.com/2009/01/ten-quirks.html).

Nasa bakasyon k b?

Admin said...

Nice naman... New lay out din ako tulad mo...

Musta na?

Update naman kabayan diyan!

Anonymous said...

hmmmm... nasan ka na kaya??? hmmmm

Admin said...

Hello Ka-mangyan! Hello kabayan!

Kumusta naman?


Happy New Year nga pala! Goodluck sa 2010.... Hehe :)

worldw MOHAMED said...

Hello Everybody,
My name is Ahmad Asnul Brunei, I contacted Mr Osman Loan Firm for a business loan amount of $250,000, Then i was told about the step of approving my requested loan amount, after taking the risk again because i was so much desperate of setting up a business to my greatest surprise, the loan amount was credited to my bank account within 24 banking hours without any stress of getting my loan. I was surprise because i was first fall a victim of scam! If you are interested of securing any loan amount & you are located in any country, I'll advise you can contact Mr Osman Loan Firm via email osmanloanserves@gmail.com

LOAN APPLICATION INFORMATION FORM
First name......
Middle name.....
2) Gender:.........
3) Loan Amount Needed:.........
4) Loan Duration:.........
5) Country:.........
6) Home Address:.........
7) Mobile Number:.........
8) Email address..........
9) Monthly Income:.....................
10) Occupation:...........................
11)Which site did you here about us.....................
Thanks and Best Regards.
Derek Email osmanloanserves@gmail.com