Matagal-tagal na rin ang usaping ito o ang balitang ito dito sa Saudi Arabia, partikular na dito sa syudad ng Jeddah. Istoryang nagpasalin-salin na sa halos ilang milyong dilang Pilipino dito sa gitnang silangan. Istoryang naging laman ng mga pahagayan dito sa Jeddah, maging sa mga pahayagan at telibisyon dyan sa atin sa Pilipinas.
Ang istorya rin ito ang naging dahilan ng makailang ulit na paghihigpit ng kapulisan dito sa Saudi sa mga kababayan nating Pilipino.
Istoryang nakakahiya at karumaldumal mang pag-usapan, subalit parang ang sarap sarap himayin ng bawat detalye... (sa mga susunod na entry ko nalang siguro ang iba pang detalye).
ANG KWENTO NG KINARNING PINOY
Pero ang entring 'to ay hindi muna para sa kwento ng biktima, kundi sa kwento at kinahinatnan ng mga nahuling may kinalaman sa patayang ito...kabayan din.
Kagabi nga, sa isang saloon dito sa Jeddah, di ko lang alam kung maari itong i-considered na kwentong barbero, since sa loob naman ng saloon o ng pagupitan nabuo ang kwento, naging usapan sa saloon ang umano'y pugutang nangyari sa tatlong Pinoy na inakusahang at pinagtibay ng korte dito na may kinalaman sa ginawang pagpatay sa isa nating kababayan.
Bale tatlong Pinoy ang mga nahuli at pinatawan ng parusang kamatayan.
Kung buhay ang inutang.... Buhay rin ang kabayaran.
Naging laman ng pahayagan nitong mga nakaraang buwan ang mga mukha ng mga kababayan nating ito na pupugutan raw ng ulo bilang parusa sa ginawa nilang kasalanan. Mga sa telebisyon ay ganoon nalang ang pagdulog ng mga kaanak ng mga ito sa pamahalaan na gawan ng paraan na mapababa ang sintensya.
"Mabait po 'yang asawa kong 'yan.... wala po talaga syan kinalaman, napag-bintangan lang sya..." sabi ng isa sa mga maybahay ng tatlo na nakapanayam ng mga mamamahayag.
"Pinahirapan lang raw sila kaya sila umamin sa krimen.." sabi pa ng isa.
Maging ang ilang mga NGO's na nangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa ay ganoon nalang din ang pagtulak sa pamahalaan na gumawa ng karampatang aksyon para lamang maisalba ang buhay ng tatlong Pilipino.
"Nakalulungkot isiping nakalimutan na nilaBalik sa usapan sa loob ng saloon.
na meron palang biktima. Na kaya pupugutan ng ulo ang tatlong ito ay dahil sa isang rin nilang kababayan ang kanilang pinatay, kinarne, at ipinamahagi sa iba't-ibang sulok ng syudad ang parte ng katawan ng kawawang kabayan."
Isa nating kababayan ang nakapag-kwento na napugutan na nga raw ng ulo ang tatlong Pilipinong ito. Though medyo hindi agad ako naniwala, kasi kung nagkaroon man ng pugutan e'di sana eh nai-anunsyo na ito sa telebisyon. Kaya humingi, hindi lang ako, kundi maging ang iba pang Pilipinong naging intresado rin sa kwento, ng katibayang totoo ang kanyang kwento at kung saan nya nakuha ang ipormasyong iyon.
Ayon na rin kay kabayan, ang pagpugot ay nangyari noong nakaraang Martes (18th November 2008). Sakay umano siya ng kanilang service sa trabaho kung saan ay isang katutubo o Saudi ang nagmamaneho, nang maikwento sa kanya ng Sauding ito na napugutan na nga raw ang tatlong kabayan. Base ito sa balita sa local sa radyo na kasalukuyan umanong pinakikinggan ng driver.
'Yon lang.