Saturday 23 April 2011

SIPON SANTO

LUNES SANTO

Eto na, panay na ang paramdam ni rhinitis acuta catarrhalis. Pakiramdam ko tuloy ano mang oras ng mga araw na iyon ay maaari akong magka-acute viral rhinopharyngitis… ano raw?? Sa usapang masa – SIPON! Sisipunin ata ako. At sino si Rhinitis Acuta Catarrhalis?? Sya ang bakteryang nagdudulot ng sipon. (salamat sa Wikipedia)

AVR (Acute Viral Rhinopharygitis), maiba laang.
Maiba sa pandinig.
Diba kung merong matanong:

Kumusta ka na?

Anga sagot ko.
"Eto, feeling weak, I think I’ll be having an acute viral rhinopharygitis any moment now… "

O diba, astig!! At aminin mo, sosyal!

Hehehe..pero sa totoo SIPON laang pala.

Merong mala-armirol ng likido ang parang yoyo na labas-masok sa aking ilong. Sabayan pa ng parang binabarenang sakit sa pagitan ng ilong at dalawang mata. Habang parang yoyo ang sipon ko sa ilong at feeling dramatic star naman ang aking mga mata, laging parang gusto lumuha… laging feeling api. Lagi na laang parang may mga mumunting lupon ng tubig ang namuuo sa gilid ng aking mga mata...at pagsigaw ni derek ng “ACTION”, sakto biglang tulo na laang ang mga luha, gugulong sa mga pisngi, sabay singhot….

Hhhaayy.. sipon.

MARTES SANTO

Nagputuloy na nga ang sipon. Lunes pa laang ng makapananghalian ay panay na ang aking hatsing! Hanggang sa lubugan na ako ng araw at sikatan ng buwan hatsing dito, hatsing doon ang bago kung hobby.

At kahit sa pagtulog ay panay ang papansin ng sipon. Hindi pwedeng hindi hahatsing. At dahil doon ay napag-alaman ko na hindi siguro maaaring humatsing ang isang tao ng natutulog.

MIYERKULES SANTO

2:36 ng umaga, bigla akong nagising. Nang maalimpungatan ay bumanat ng isang feel-na-feel-na-hatsing! Pagkatapos noon, hinimatay na ako at nagisnan na ang umaga. ‘Yon laang pala ang pala ang dahilan ng paggising ko, ang humatsing…napatunayan ko tuloy na tunay ngang kelangang gising nga tao para humatsing.

HUWEBES SANTO

May sipon pa rin. Kumbaga sa pigsa, may PIGSANG DAPA, pakiramdam ko meron akong SIPONG DAPA.

‘Yong pakiramdam ko ay may sipon pa ako, pero ala namang natulo. ‘Di na rin ako sumisinghot-singhot. Parang wala na akong sipon. Pero masakit ang pagitan ng mga mata ko at ilong. At ang boses ko eh “sounds like I had cold”… as in ngo-ngo-mangol-combo!

‘Di naman ako “choppy”, pero it’ll take some effort para makipag-kwentuhan o magsalita. Sabayan pa ng pamumungay ng aking mga mata.

Patuloy pa rin ang pag-hatsing. Na-obsebahan ko na kung hindi man mahirap ay parang imposible yata ang humatsing ng naka-bukas ang mata. May nabasa ako o narinig matagal na panahon na rin ang nakararaan na imposible talaga yatang humatsing ang tao ng naka-bukas ang mga mata. Bakit? Kasi maaari raw tumalsik ang mga mata kung naka-bukas ang mga mata sa paghatsing.

Aba ayaw ko namang subukan. Hindi pa ako handang makipagkapaan sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung totoo ito, pero ayaw kong subukan.

BIYERNES SANTO

May sipong-dapa pa rin.
Masakit ang ulo.
Tinatamad pa rin akong magsalita.

SABADO DE GLORIA

Dapa pa rin ang sipon. Nagpipilit isinga ang mga dapat isinga pero wala namang nalabas. Nakakatakot namang piliting suminga at baka utak ko na ‘yong maisinga ko.

Na-missed ko laang magkasakit. (Salamat sa Dakilang Manlilikha sa malusog kung katawan.) Been ages since my last visit at the hospital, at hindi ako nagpunta sa ospital para magpagamot, kundi para bumili laang ng kape…(may coffee shop sa loob ng ospital, at kailangan ko ng kape sa oras na ‘yon at ang pinaka-malapit na kapehan ay sa loob ng ospital).

Gaya ng lagi na laang nasasabi, mas naa-appreciate natin ang isang bagay kung ito ay wala na sa’tin. At sa ngayon, kung na-missed ko man ang magkasakit, agad kung naisip ang halaga ng kalusugan noon mga panahong wala akong sakit.




"Illness is the night-side of life, a more onerous citizenship.

Everyone who is born holds dual citizenship,

in the kingdom of the well

and in the kingdom of the sick.

Although we all prefer to use only the good passport,

sooner or later each of us is obliged,

at least for a spell, to identify ourselves

as citizens of the other place."

Susan Sontag




LINGGO NG PAGKABUHAY …

1 comment:

Anonymous said...

rhinitis?.. sana nag benadryl AH ka yan kse ang iniinom ko kada umaatake ang rhinitis ko ... tulog na tulog ka nga lang hehehe